Ang tahanan ni Don Higino Francisco sa Binondo ang sinasabing lugar kung saan nakatago ang orihinal na manuskrito ng Noli Me Tangere at dito din itinago ang mga labi ni Rizal ng ilang araw noong Agosto 17, 1898. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito kagaya ng dati noong kami ay pumunta dito. Sinasabi ng mga residente doon na may nakabili na daw ng lupa na kinatitirikan ng tahanan ni francisco kung kaya't noong kami ay nagtungo na doon ay wala na ang bahay, giniba na daw ito dahil patatayuan ng panibagong istruktura.
Kaya kami ay kumuha na lamang ang litrato sa tabi ng poste na ito na may markang "X"
No comments:
Post a Comment