Saturday, September 5, 2015

Ang Lugar ng Paglilitis


Ang lugar kung saan nilitis si Dr. Jose Rizal ay makikita parin sa loob ng Fort Santiago.
Sa aming pagpunta dito ay hindi namin sigurado kung ano ang lugar kung saan talag nilitis si Rizal kaya pareho nalang naming pinuntahan at kinunan ng litrato ang dalawang lugar na sa tingin namin ay pinaglitisan kay Rizal.
Ito ang isa sa mga pinaglitisan kay Rizal sa loob ng isang Museo sa loob ng Fort Santiago.
Ito ang Pangalawang lugar na aming pinuntahan ugnay sa lugar na pinaglitisan kay Rizal. Ang sabi ay sa cuartel de espana ito makikita ngunit sinabi ng aming padyak driver na ang ito na raw iyon. Ang cuartel de sta. Lucia. Sa aking tabi ay makikita ang administrative marker ng lugar.

Ito ang kahabaan ng Cuartel de sta lucia. Sa aking pagkakalala ay kahabaan ng Potenciana malapit sa Pamantasan ng Lungsod ng Manila

Ito ang orihinal na Marker ng Cuartel de sta lucia.

Ang Fort Santiago

Ang Fort Santiago ay isang kilalang lugar pasyalan sa Manila. Dahil na rin siguro sa napakamakulay na kasaysayan na iyong matatagpuan dito sa pagpasok mo palang sa entrada nito ay makikita mo na para kang bumabalik sa nakaraan.At dito rin itinayo ang isa sa mga pinakamalaking base militar at base pandepensa noon, ang tinaguriang "Walled City" ito ay ang Intramuros.






 Groupfie kame sa harapan ng lugar kung saan kinulong si Jose Rizal. Dito ay masasabing mas nakilala niya ang kanyang sarili. Dahil mas nabigyan siya ng oras na mapagisa at makapagisip.











                                                                                   
                                                                               




 ito ang aking litrato sa harap ng lugar kung saan piniit si Rizal





















 Ito naman ang mga Metal na yapak ni Rizal, ito ay sinasabing ang kanyang mga yapak papunta sa kanyang kamatayan dahil siya ay bibitayin na.
















Ito ang ruta na tinahak ni Rizal habang siya ay naglalakad papuntang bagumbayan kung saan siya binaril.














Ito ang aking larawan ng kami ay papasok pa lamang sa loob ng Fort
Santiago. Pagpasok mo sa loob ay may babayaran kang entrance fee at bibigyan ka ng ticket upang ikaw ay makapasok. At iyon na maari mo ng libutin ang kabuuan ng Fort Santiago sa tulong ng kanilang mga Tour Guides na nakabihis na tila animo mga sinaunang guwardiya sibil.




































































 Ito pa ang ilan sa aming mga nakuhang litrato sa aming pagpunta at paglilibot sa buong Fort Bonifacio. Maraming napakagandang bagay na makikita sa lugar na iyon at isa ito sa mga lugar na hinding hindi ko makakalimutan.




Ang Dating Kinatatayuan ng USTE

Noong taong 1877 ay lumipat si Jose Rizal sa UST upang ipagpatuloy ang kanyang pagaaral. Sa pagtungtong sa UST ay hindi nakaligtas si Rizal sa mga mapanuring mata, nakaranas siya ng diskriminasyon sa kanyang mga kaklase at kahit na din sa mga Dominican Friars. Dito napagtanto ni Rizal na kung sino pa ang iyong tinulungan ay sila pa ang hahatak sayo pababa.
 Ito ang aking litrato sa mismong lugar kung saan dating nakatayo ang Unibersidad ng Santo Tomas.

                          Dito ay nakatayo na ngayon ang Intramuros BF Condominium Building

Ang Tahanan ni Higino Francisco

Ang tahanan ni Don Higino Francisco sa Binondo ang sinasabing lugar kung saan nakatago ang orihinal na manuskrito ng Noli Me Tangere at dito din itinago ang mga labi ni Rizal ng ilang araw noong Agosto 17, 1898. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito kagaya ng dati noong kami ay pumunta dito. Sinasabi ng mga residente doon na may nakabili na daw ng lupa na kinatitirikan ng tahanan ni francisco kung kaya't noong kami ay nagtungo na doon ay wala na ang bahay, giniba na daw ito dahil patatayuan ng panibagong istruktura.
Kaya kami ay kumuha na lamang ang litrato sa tabi ng poste na ito na may markang "X"

Friday, September 4, 2015

Dating Kinatatayuan ng ATENEO MUNICIPAL DE MANILA


Ang Ateneo ay isa sa mga pinakaprestihiyosong Unibersidad dito sa Pilipinas. Hindi lahat ng gustong makapagaral dito ay nagtatagumpay. Kaya ang makapagaral at makapagtapos sa Unibersidad na ito ay isang napakalaking pribilehiyo. Dito nagaral si Jose Rizal sa kursong Batsilyer ng Artes. Nagkamit din si Rizal ng gradong Sobrasaliente sa kanyang mga kurso tulad ng Aritmetika, Geometry, Trigonometry, mga wikang Latin, Espanyol, Griyego at Pranses, Heograpiya, Pangkalahatang Kasaysayan, Kasaysayan ng Espanya at Pilipinas,Minerolohiya at Kemistri, Pisika, Botanilohiya at Zoolohiya.


Sa aking tabi makikita ang Marker ng Dating kinatatayuan ng Ateneo. Sa aking likod naman mismong lugar kung saan dating nakatayo ang Ateneo. Kasalukuyang nakatayo dito ang Wow Philippines! ngunit ito ay nakasara na.

Saturday, August 22, 2015

Ang Pagbisita sa Monumento ng Isang Hinahangaan

Luneta, ito na siguro ang itinuturing na pinakamakasaysayang lugar sa buong bansa dahil dito nakatayo ang isang konkretong pagkilala sa kabayanihang nagawa ni Rizal para sa ating bayan, ang kanyang monumento. Sa aming muling pagbisita sa lugar na ito ay muli naming nasariwa ang kasaysayan ng isang martyr na lumaban gamit ang kanyang pluma at papel upang maging daan sa pagkamit natin ng ating kasarinlan magpahanggang sa kasalukuyan. Nakakalungkot lamang isipin na sa patuloy na pagunlad ng tao ay tila ba nakakalimutan na nating irespeto at bigyan ng pagpapahalaga ang lugar kung saan naganap ang kasaysayan na nagbago sa Pilipinas noong panahon ng kastila. Nagkalat na squatter sa paligid ng parke, mga daanang puno ng kalat, mga bote at pinagkainang tangay tangay ng mga aso, Istrukturang itinayo sa likod ng parke na nagmimistulang panira sa magandang tanawin na maari mong makita sa pagbisita sa lugar.








Nakakatuwang makabalik ulit sa lugar na ito pagkalipas ng matagal na panahon. Sa aking pagkakaalala ay elementarya pa ako huling nakapunta sa makasaysayang lugar na ito. Sa aking likuran ay matatanaw ang Monumento ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal




















Halos inabot kami ng siyam siyam sa paghahanap ng magandang anggulo upang hindi lamang maisama sa litratong kukuhain ang itinuturing na Pambansang Photobomber, ito ay ang Torre de Manila na isa sa mga kontrobersiyal na istruktura ngayon dahil nga sa tila ba panira ito sa magandang larawan na kinukuha ng mga turistang nagpupunta sa Monumento ni Rizal


 
     JOSE RIZAL NATIONAL MONUMENT
                           (1913)

      ACT NO. 243 GRANTED THE USE OF PUBLIC LAND IN LUNETA AS A SITE FOR THE JOSE RIZAL MONUMENT, 28 SEPTEMBER 1901. THE MONUMENT ENTITLED "MOTTO STELLA," WAS THE ENTRY OF SWISS SCULPTOR RICHARD KISSLING TO THE INTERNATIONAL DESIGN CONTEST FOR THE RIZAL MONUMENT, 1905 - 1907. THE MONUMENT WAS CONSTRUCTED OF BRONZE AND GRANITE,1912. THE REMAINS OF RIZAL WERE TRANSFERRED FROM BINONDO TO THE BASE OF THE MONUMENT, 30 DECEMBER 1912. UNVEILED, 30 DECEMBER 1913. DECLARED A NATIONAL MONUMENT, 15 APRIL 2013 AND NATIONAL CULTURAL TREASURE, 14 NOVEMBER 2013