Saturday, August 22, 2015

Ang Pagbisita sa Monumento ng Isang Hinahangaan

Luneta, ito na siguro ang itinuturing na pinakamakasaysayang lugar sa buong bansa dahil dito nakatayo ang isang konkretong pagkilala sa kabayanihang nagawa ni Rizal para sa ating bayan, ang kanyang monumento. Sa aming muling pagbisita sa lugar na ito ay muli naming nasariwa ang kasaysayan ng isang martyr na lumaban gamit ang kanyang pluma at papel upang maging daan sa pagkamit natin ng ating kasarinlan magpahanggang sa kasalukuyan. Nakakalungkot lamang isipin na sa patuloy na pagunlad ng tao ay tila ba nakakalimutan na nating irespeto at bigyan ng pagpapahalaga ang lugar kung saan naganap ang kasaysayan na nagbago sa Pilipinas noong panahon ng kastila. Nagkalat na squatter sa paligid ng parke, mga daanang puno ng kalat, mga bote at pinagkainang tangay tangay ng mga aso, Istrukturang itinayo sa likod ng parke na nagmimistulang panira sa magandang tanawin na maari mong makita sa pagbisita sa lugar.








Nakakatuwang makabalik ulit sa lugar na ito pagkalipas ng matagal na panahon. Sa aking pagkakaalala ay elementarya pa ako huling nakapunta sa makasaysayang lugar na ito. Sa aking likuran ay matatanaw ang Monumento ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal




















Halos inabot kami ng siyam siyam sa paghahanap ng magandang anggulo upang hindi lamang maisama sa litratong kukuhain ang itinuturing na Pambansang Photobomber, ito ay ang Torre de Manila na isa sa mga kontrobersiyal na istruktura ngayon dahil nga sa tila ba panira ito sa magandang larawan na kinukuha ng mga turistang nagpupunta sa Monumento ni Rizal


 
     JOSE RIZAL NATIONAL MONUMENT
                           (1913)

      ACT NO. 243 GRANTED THE USE OF PUBLIC LAND IN LUNETA AS A SITE FOR THE JOSE RIZAL MONUMENT, 28 SEPTEMBER 1901. THE MONUMENT ENTITLED "MOTTO STELLA," WAS THE ENTRY OF SWISS SCULPTOR RICHARD KISSLING TO THE INTERNATIONAL DESIGN CONTEST FOR THE RIZAL MONUMENT, 1905 - 1907. THE MONUMENT WAS CONSTRUCTED OF BRONZE AND GRANITE,1912. THE REMAINS OF RIZAL WERE TRANSFERRED FROM BINONDO TO THE BASE OF THE MONUMENT, 30 DECEMBER 1912. UNVEILED, 30 DECEMBER 1913. DECLARED A NATIONAL MONUMENT, 15 APRIL 2013 AND NATIONAL CULTURAL TREASURE, 14 NOVEMBER 2013

Ang Pagbisita sa Pambansang Museo ng Pilipinas

Ang museong ito ay itinayo noong taong 1901 at idineklara bilang ang Museong pangkasaysayang natural at pang-etnograpiya ng Pilipinas. Ito at idinisenyo ng Amerikanong Arkitekto na si Daniel Burnham. Ito ay matatagpuan malapit sa Liwasang Rizal (Rizal Park)  malapit sa Intramuros, Manila. Isa sa mga pinakasikat na pagmamay-ari nito ay ang bantog na Spolarium na nilikha ng ating kababayang si Juan Luna.


Sa aming pagpasok sa Museong ito ay layon naming mas makilala pa ang ating Pambansang Bayani sa pamamagitan ng pagtingin at pagalala sa mga memorabilya na may koneksyon sa kanyang buhay.
Ang mga bagay na may kaugnayan sa buhay,sining, at mga likha ni Rizal ay matatagpuan sa Gallery V ng Pambansang Museo.






Ito ay ilan pang mga larawan na aming nakunan sa aming pagpunta sa Gallery V ng Pambansang Museo. Hindi na kami nakapaglibot libot pa sa ibang mga parte ng Museo dahil nga sa hanggang alas singko lamang ito ng hapon kaya aming napagpasyahan na umalis na at tumungo sa susunod na destinasyon.


Wednesday, August 19, 2015

Puntod ng Isang Makata, Doctor, Siyentipiko, Pilosopo, Martyr at iba pa . . .



Makalipas ang mahabang lakaran ay narating din namin ang Paco Cementery na matatagpuan sa Belen, Paco, Manila. Ang layunin namin sa pagpunta dito ay upang makita ang puntod ni Rizal at makita na din kung gaano kalawak at kalaki ang sementeryong ito.

              

                                                                                                                                                                                                           

Nasa aking likuran ang puntod ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal. Ito ay matatagpuan sa bandang kaliwa pagpasok mo ng entrada ng Sementeryo ng Paco sa Paco, Manila.












  Ito ang iba pang larawan na aming nakunan sa pagpunta namin sa Sementeryo ng Paco, ang puntod ni Rizal sa ibang anggulo (kaliwa) at kanyang marker na nakasulat kung anung petsa siya binaril at nakasulat dito na inilipat ang kanyang mga labi sa ilalim ng monumento niya sa Luneta. (kanan).